Hello. Kumusta? Today is my second and the last preparation day here in MTC. We've just been to Salt Lake Temple and I'm very excited to share with you about it. Hehe. All international missionaries are given the chance to go and have a tour there. But we weren't able to have our endownment session there because it's closed.
Grabe. Tototo po talaga ang Simbahan. Walang duda dahil kahit saang sulok ng temple square, sa loob ng conference center ay mafi-feel mo ang Spirit. Siguro kahit sa panonood lang ng pictures mararamdaman niyo ang naramdaman ko doon. Pero inaasam ko din na sana makapunta tayong lahat doon. May series of videos silang pinapanood samin. Natutunan ko doon na ang gospel ay para talaga sa happiness ng family. Malungkot man ang naging experiences ko sa family namin pero malaki parin ang paniniwala ko na makakatulong ng sobra ang gospel sa buhay ng bawat families. Hindi lang siya important kundi CRUCIAL sa buhay ng bawat family. At excited akong magkaroon ng sarili dahil doon. Naiyak ako habang pinapanood yun. May isang Elder nga eh ngumawa talaga. Kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matulungan ang gma tao sa Jersey na marinig man lang ang gospel at magdecide para sa sarili nila kung tatanggapon nila 'to.
Hindi madali dito. Tatlong beses na kong umiyak ng sobra dahil may mga bagay na hindi ko ma-express ng maigi sa english (iba parin pag gamit ang sariling salita). Ang bibilis nila magsalita at sobrang slang. Nahihirapan din akong i-connect ang sarili ko sa mga American investigators (fake palang dito sa MTC) dahil iba ang culture nila, may mga pagkain na hindi ko alam, may mga topic na nakakaout of place pero I'm doing all my best here. Alam ko na mao-overcome ko ang mga weaknesses na 'to. And I realize that it's one of the reasons why Heavenly Father sent me here. Gusto niya kong maging humble at alalahanin na mag-rely sa tulong Niya. Kasi kung lahat, kaya kong gawin, baka hindi ko na maaalalang humingi ng tulong sa Kanya. Kaya ko 'to. 1 week palang naman ako mahigit dito sa US.
Pero bilib ang mga missionaries sa district ko sakin sa galing ko daw sa scriptures. Grateful ako dahil sineryoso ko an gpag-attend ng semianry and institute, pagiging seminary teacher, paggawa ng personal progress at daily scripture study before ako nagmission. At alam niyo ba, dalawa na ang nagsabing MAGANDA ANG BOSES KO! No wonder daw na tinawag akong music coordinator para sa buong branch. Hahaha. Yan ang wala jan sa Pilipinas. Hehehe. Joke :D This coming Sunday, ako ang chorister sa sacrament meeting. And it wld be a great opportunity.
About naman sa pagkain dito, grabe! Tama kayo. Nakakataba dito. Pero 110 lbs palang naman ang timbang ko so far. Ilang kilos yun? :) Laging may cheeze, potato at ketchup! Hehe. Nami-miss ko na nga ang pagakin jan sa Pilipinas lalo na ang dinengdeng. Sinasanay ko na ding hindi kumain ng kanin. Kahapon nasusuka ako. Gusto kong humigop ng mainit na sabaw ng inabraw. At masama din ang pakiramdam ko kahapon . Masakit ang ulo. Pero nag-ask ako ng priesthood blessing from our Elders sa class namin. Si Elder Cuyan (From Pangasinan) ang nagbigay ng blessing at first time niya. Kaya nakakatuwa. Effective talaga ang priesthood blessing.
Nabanggit ko ang tungkol sa fake investigators. Oo. Fake sila pero ang hirap nila turuan. Pero ang maganda doon, natututo kami kung paano maging effective teacher ng gospel. Madalas din ang klase dito. Para masmapractice pa ang English ko, sinusubukan kong magrecite ng magrecite. Pero pag sa large grou, di ko kaya kasi nakakailang. Hehe. Nakakabilib ang mga Americans dahil talagang nagpaparticipate sila sa mga large gropu meetings at comfortable silang mag-express ng feeling and thoughts nila. May ilang months pa ko para maging ganoon. Hehe. Pero nami-miss ko talaga magtagalog. Puro kasi kami English dito. Actually, nakakapagod at masakit sa ulo.
Isa rin sa mahirap gawin ay ang gumising ng 6:30 araw-araw. Hehe. Pero kinakaya. Kunting-kunti ang time para sa pagligo at pagbibihis. Buti nalang hindi ako ganoon kagaling maglagay ng kung anu-ano sa mukha kaya hindi naman nale-late sa activities.
Galing sa England yung room mate ko noong 1st night ko dito. Si Sister Hughes at ang sarap pakinggan ng accent niya! Para akong nakikipag-usap kay Emma Watson :D
Nakreceicve na dij ako ng 2 packages galing kay Ssiter Camille Mcphie (nagserve sa Philipiines pero maagang umuwi dahil may sakit) at sa auntie niya. May special reason talaga sa lahat ng bagay.
Basahin niyo nalang ang email ko pag mahaba ang oras niyo. Ako, kunti lang talaga ang time na basahin ang mahahabang emails so please make it short :) I-enjoy nyo din mga pics sa facebook na iaaupload ni mama :)
HAPPY VALENTINE'S DAY TO ALL! MAHAL KO KAYO! I MISS YOU PHILIPPINES!!!!